Latest News

MAY GUGULONG NA ULO SA PAGTAKAS NI GUO — REMULLA

By: Baby Cuevas

MAY ‘gugulong na ulo’ umano na ulo sa hanay ng Bureau of Immigration (BI) na may kinalaman sa pagtakas ng dinismiss na Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang binitiwang banta ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagpapa-imbestiga sa National Bureau of Investigation (NBI) at BI na alamin ang mga pangyayari sa pagpuslit ni Guo.

“As civil servants, we have sworn to the country our unwavering integrity, transparency and accountability in all our actions and decisions,” ani Remulla.


“Hence, I am issuing this final warning against erring BI personnel who may have had a participation in the escape of Guo despite strict restrictions imposed by our governmen. It’s either you come out and unveil the truth or wait until I personally get to the bottom of this where heads will roll and all hell will break loose,”dagdag ni Remulla.

Bago nito ay ibinulgar sa Senado na si Guo, na kilala rin bilang Chinese citizen Guo Hua Ping, ay umalis sa bansa noong Hulyo 18 ,2024 papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.


Kinumpirma rin ng BI na nasa Indonesia ngayon si Guo kung saan nakalabas ito ng bansa nang hindi dumaan sa Immigration.

Napag-alaman sa DOJ na ang Immigration Lookout Bulletin (ILBO) na naglalaman ng pangalan ni “Alice Guo at Guo Hua Ping” ay inisyu noong Hulyo. Ang ILBO ay inisyu para alertuhin ang mga awtoridad kung ang “subject” ay magtatangkang lumabas ng bansa .


Sa kabila na may ILBO ay kinumpirma ng BI na nakalabas ng bansa si Guo at dahil dito ay aalamin umano ni Remulla ang posibilidad na may kinalaman ang legal counsel ni Go sa kanyang pagtakas palabas ng bansa.

Samantala ay tiniyak ni Atty. Stephen David, legal counsel ni Guo, na ito ay nasa loob pa ng bansa.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read