Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 24- anyos na lalaking diumano ay may diperensiya sa pag-iisip, matapos na magbigti sa isang abandonadong unit, kamakalawa ng hapon sa Katuparan Village, Vitas Tondo, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni PEMS Christian Joseph Pineda ng Manila Police District-homicide section ,nakilala ang biktimang si Jay, ng Katuparan Village, Vitas Tondo.
Alas-5 ng hapon nang madiskubre ang biktima sa sa isang abandonadong unit sa Building 7 ng Katuparan Village.
Ayon sa kapatid ng biktima, huli itong nakitang buhay alas-2 ng hapon, na nakahubad ng pang- itaas at palakad- lakad lamang sa kanilang bahay.Humingi pa umano ito ng pagkain .
Nadiskubre na itong patay habang nakabigti gamit ang kulay asul na lubid na nakatali sa kanyang leeg na isinabit sa kisame.
Naniniwala ang mga kaanak ng biktima na walang foulplay sa pagkamatay ng biktima at ito ay dala lamang ng depresyon. (Philip Reyes)














