Latest News

May-ari ng printing press, 2 pa timbog sa paggawa ng pekeng vaxx card

ARESTADO ang tatlo katao kabilang ang may-ari ng isang printing press sa paggawa ng pekeng vaccine card sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga dinakip na sina Rafael Cayabyab, 41 anyos, may-ari ng Lakay Printing Services sa 314 Quezon Boulevard, Barangay 353, Quiapo; Ricardo Lugtu, 25, graphic artist; at Samil Asmadi, 23, helper.

Sa ulat ni Lt.Colonel Ramon Nazario, kumander ng MPD- Barbosa Police Station 14, 7:20 ng gabi nang ilatag ang operasyon.Nagpanggap na magpapagawa ng vaccine card si Cpl.Rolly Mendaño sa halaga ng ID na P500.00 at naaresto ang mga suspek sa Marantao lodge sa Globo De Oro St., Quiapo.


Ayon sa pulisya, isang concern citizen ang nag-text sa “I-report mo kay Tsip hot line”.

Nakumpiska ang mga pekeng vaccine card na pangunahing hinahanap sa public transport, malls at iba pa.

Tags:

You May Also Like

Most Read