Latest News

Mautak na mandurukot, arestado

Hindi na nakapagkaila sa ikalawang pagkakataon nang maaresto ang isang electrician sa Lyceum of the Philippines na dumukot diumano sa Iphone 8 ng isang estudyante, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Napag-alaman na unang pinakawalan ang suspek na si Mark Jazer Joson, ng Tambak 1 Street, Tanza 2, Navotas City, nang hindi makuha sa kanya ang dinukot.na cellphone matapos na habulin ng testigong si Felix Pacaldo, Jr.,messenger, nang makitang dinukot ng suspek ang backpack ng biktima habang tumatawid sa isang pedestrian lane sa Natividad Street, Ermita,Maynila.

Gayunman ,kinunan ng larawan ang suspek ng kasama ng kanyag dinukutan na si Kyla Mae Quierrez,20, ng No. 28 Road 7, GSIS Hills Subdivision Brgy. 164 Caloocan City at saka dumiretso sa tanggapan ng Manila Police District-Special Mayor’s Action Team (SMaRT) para magpa-blotter.

Kaagad namang nagsagawa ng pagrebisa sa CCTV si PMaj Edward Samonte at dito nakita na itinago ng suspek sa ilalim ng poste ng LRT ang dinukot na cellphone at nang pakawalan siya ng mga kumorner sa kanya na kasama ng biktima ay muli niyang binalikan ang cellphone na kanyang iniwan sa ilalim ng poste ng LRT.

Nagsagawa naman ng follow- up operation ang mga operatiba ng SMaRT at natunton ang suspek sa harap ng Santiago Resort na matatagpuan sa Santiago Street, Fortune 1, Gen. T. De Leon St., Valenzuela City.

Nabawi rin sa suspek ang dinukot na Iphone 8 ng biktima.

Sinampahan ng kasong theft ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read