Latest News

MATATAG NA ALYANSA NG PILIPINAS AT US TINIYAK

TINIYAK ng Department of National Defense at ng U.S Defense Department na nanatiling matatag ang umiiral na samahan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Ito ang buod ng naging pag-uusap nina US Secretary of Defense Lloyd Austin III at ng bagong Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino, Jr. nang magkausap sila sa pamamagitan ng telepono.


Kasabay nito, nagpasalamat din si Sec. Austin sa suporta ng Pilipinas sa mamamayan ng Ukraine.

“Secretary Austin also expressed his thanks for the Philippines’ support for the people of Ukraine,” ayon sa ibinahaging readout ni Pentagon Press Secretary Air Force Brig. Gen. Pat Ryder hinggil sa pag-uusap ng dalawang defense secretary.

Sinasabing magkaisa ng paniniwala ang dalawang kalihim hinggil sa kahalagahan ng ‘free, open and prosperous Indo-Pacific’.


Kabilang sa napag-usapan ang mga oportunidad para lalong matulungan daw ang Pilipinas na maging moderno ang Armed Forces of the Philippines at mapalakas pa ang US-Philippines alliance.

Nilinaw din ni Austin na ang US commitment sa Philippine security ay malakas at ang US Mutual Defense Treaty commitments ay magpapatuloy hanggang sa Philippine armed forces, public vessels at aircraft sa bahagi ng West Philippine Sea.


Nagkasundo rin naman ang dalawang defense chief na ipagpatuloy ang close operational coordination sa rehiyon kung saan ang Pilipinas at China at iba pang mga bansa ay merong sigalot sa territorial claims.

Gayundin ang pagharap sa mga hamon ng alyansa at ang malalim pa na kooperasyon sa Visiting Forces Agreement at sa 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Jr., US Secretary of Defense Lloyd Austin III at ng bagong Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino

You May Also Like

Latest News