Latest News

“Matatag agenda” ng DepED, suportado ng CBCP-ECCCE

By: Carl Angelo

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang pagsusulong ng Department of Education ng “MATATAG AGENDA”.

Naniniwala si San Fernando La Union Bishop na malaking tulong ito para sa mga Senior High School na matanggap sa mga trabaho.

“Alam natin iyang MATATAG AGENDA ay naglalayong magbigay sa mga estudyante ng isang curriculum na mas relevant upang makapag-produce ng competent at job ready na mga graduates, at yun ang critical components na binabanggit niya, at ito ay maaring mai-apply sa mga ga-graduate ngayong taon,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.


Sa tulong din ng MATATAG AGENDA, sinabi ng Obispo na higit na magkakaroon ng mga karagdagang kasanayan ang mga Senior High School graduate at dagdag na pagkakataon na mapalawig ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga private businesses.

Ipinaalala ni naman Bishop Presto sa mga estudyante na mayroong kakayahang mag-aral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang mapabilang sa mga scholarships programs na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

“At sa tulong ng ating Poong Maykapal ang pagpapala nawa sa inyong mga graduates ng Grade 12 ay sumainyo lagi, gabayan kayo’t bigyan kayo ng tatag at sipag ng Panginoon sa hinaharap na pag-aaral o pagtatrabaho o pagiging working students,” pananalangin pa ni Bishop Presto sa mga magsisipagtapos na Senior Highs School.

Ang MATATAG AGENDA ay ang inisyatibo ng Department of Education sa pamumuno ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte na layuning dagdagan o higit na linangin ang kakakayahan ng mga Senior High Students.


Batay sa taunang datos ng DEPED, sampung porsyento lamang ng mga Senior High Graduates ang nakakapasok sa ibat-ibang uri ng trabaho.

Tags: Catholic Bishops' Conference of the Philippines, Fr. Jerome Secillano

You May Also Like

Most Read