Matapos ang catenary fault issue nitong Linggo, LRT-1, balik na sa full operations nitong Lunes

By: Baby Cuevas

Inianunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nitong Lunes matapos na makaranas ng catenary fault issue nitong Linggo.

Sa abiso ng LRMC, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na nakumpleto na nila ang mga kinakailangang pagkukumpuni at assessment sa tren.


Dahil dito, naibalik na umano nila ang full operation ng kanilang mga tren upang pagsilbihan ang kanilang mga pasahero.

“UPDATE AS OF SEPTEMBER 18, 2023
LRMC has already completed the necessary repairs and assessment. LRT-1 is back in FULL OPERATIONS to serve passengers today, following
normal train schedule. ??,” abiso pa ng LRMC.
Nauna rito, nitong Linggo ng gabi ay inianunsiyo ng LRMC na dakong alas-2:41 ng hapon ay nakaranas ng catenary fault issue ang isa sa mga train sets ng LRT-1 sa Balintawak Station (southbound).

Kaagad namang nag-deploy ang LRMC ng safety at technical team onsite upang i-assess ang sitwasyon.


Bilang bahagi ng safety procedure at dahil aabutin ng ilang oras ang pagkukumpuni sa problema, nagpatupad rin ang LRT-1 ng limitadong operasyon sa linya hanggang sa pagtatapos ng kanilang revenue hours nitong Linggo ng gabi.

Kaagad rin naman nilang ibinalik ang full operation ng LRT-1 nitong Lunes matapos na makumpleto ang pagkukumpuni.


Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City.


Tags: Light Rail Transit Line 1 (LRT-1)

You May Also Like