Latest News

MATAPANG NA MENSAHE NG MISIS NI NINO MUHLACH PARA KAY SANDRO: ‘HUSTISYA’

By: Beth Gelena

ANG tapang ng mga salitang binitawan ng misis ni Niño Muhlach sa mga gumawa ng kasamaan sa kanilang anak na si Sandro.

Ayon kay Diane Abby Tupaz, misis ni Niño: “Hindi kami makakapayag na hindi namin makakamit ang hustisya! “#JusticeShouldPrevail” na viral ngayon sa social media.

Walang tinutukoy na pangalan si Abby, pero aniya: “Pinalaki at iningatan naming mabuti ang aming mga anak na puno ng pagmamahal at pag aaruga tapos wawalang hiyain lang ng mga kung sinong tao na nilamon ng kademonyohan sa katawan para magawa yung ganung klaseng kababuyan!”


Ayon pa kay Abby, hindi sila titigil hanggat hindi nakakamit ang hustisya para kay Sandro.

“Hindi kami makakapayag na hindi namin makakamit ang hustisya! Habang buhay na dadalhin ng anak namin yung kababuyan na ginawa niyo sa kanya! Wala kaming pakialam kung sino kayo o kung sino ang poprotekta sa inyo! Sisiguraduhin namin na pagbabayaran niyo yung ginawa niyo! Hindi namin hahayaan na may mabiktima pa kayo na iba! Itutuloy namin ang laban! Managot ang dapat managot! Nakakanginig kayo ng laman!” galit na pahahayag ni Abby.

Si Sandro ay stepson ni Abby, pero ang turing niya rito ay parang tunay na anak.

Samantala, nag-file na si Sparkle artist na si Sandro ng complaint laban sa dalawang GMA Network independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.


Sinabi ng GMA Network na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol sa reklamo ni Sandro.

Tags: Sandro Muhlach

You May Also Like

Most Read