ANG mataas na trust rating ng Philippine National Police ang isa sa mga legasiya na posibleng maiiwan ni outgoing PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Tiwala si Gen Acorda, bilang ika-29 pinuno ng PNP ay iiwanan niyang maayos ang Pambansang Pulisya sa kamay ng susunod na mamumuno.
“I want to be open with you (media), transparent with you, to make sure that what the police is doing is being relayed in our community because I think that is the best way to get the trust and confidence of the people,” kabilang sa mga naunang pahayag ni Acorda matapos siyang hiraning ni PBBM.
Sinasabing napanatili ni Gen Acorda ang mataas na trust ratings ng kapulisan mula sa publiko kaya masasabing isa ito sa legcy na maiiwan sa pamumuno ni Gen Acorda, miyembro ng PMA Sambisig Class of 1991.
Sa kanyang testimonial parade sa Baguio City nitong weekend, nagpasalamat si Acorda sa Philippine Military Academy (PMA) na humubog sa kanya ng 37 taon bilang miyembro ng unipormadong hanay.
Nagpasalamat din ang heneral sa lahat ng kanyang mga nakasama kasunod ng tagubilin sa kapulisan na panatilihin ang kumpyansa sa kanila ng sambayanan.
Si Acorda ay magreretiro sa serbisyo sa darating na December 3 bilang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya kung saan may ilang ng senior PNP officers ang posibleng pinagpipilian n ani pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipapalit sa mababakanteng posisyon.
Inihayag ni Acorda, na may pangalan na siyang inirerekomenda sa Malacanang para sa mga maaring pagpilian bilang susunod na hepe ng PNP.
Kabilang sa mga posibleng mapasama sa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Marcos bilang susunod na PNP chief ang mga miyembro ng PNP Command Group na pinangungunahan nina Deputy Chief for Administration PLtGen. Rhodel Sermonia kasapi ng PMA ‘Makatao’ Class of 1989, Lieutenant G, Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Michael John Dubria, Sambisig’ Class of 1991 at Chief of the Directorial Staff PLtGen. Emmanuel Peralta na ka Mistah rin ni gen Acorda.
Kabilang sa mga matunog ding kandidato sa pagka-PNP Chief sina CIDG Director, PMGen. Romeo Caramat Jr, kasapi ng PMA Tanglaw Diwa Class ’92, NCRPO Director PBGen. Jose Melencio Nartatez miyembro ng Tanglaw Diwa PMA Class of 1992 at PNP Director for Comptrollership, PBGen. Rommel Francisco Marbil ng PMA Class of 1991.














