SINO itong mataas na opisyal ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang natakadang sisibakin daw at ang ipapalit ay isang may letrang HLC ng DMW?
Diumano, ayon sa aming mapagkakatiwalaang source, ang dahilan kaya sisibakin ang opisyal na si BL ay upang bigyang daan ang pag-upo din si puwesto ni ‘PYC’ na gusto na daw maging isang Kalihim ng DMW.
Nabatid pa na itong si ‘PYC’ ay nagbigay ng kanyang resume/CV sa mismong mataas na mataas na opisyal sa mismong burol pa ng yumaong Kalihim na si Toots Ople. Pero tinabla ito dahil ayaw sa kanya ng maimpluwensyang Senador na malapit sa mataas na mataas na opisyal.
Dahil sobrang gutom sa posisyon si ‘PYC’ di siya papayag na basta na lamang siya tatanggihan ng Mataas na Mataas na opisyal dahil sa ayaw sa kanya ni Senador. Kaya naman naghagilap ito ng mga ‘baho’ na di maitatago ni Senador tulad na lang ng ‘betka’ nito.
Hindi lang yan, pati Ang paglulustay ng anak na Congressman ng Senador ng P7M ay di pinatawad ni ‘PYC’ ..Pati ito binulgar din.
Resulta nanahimik si Senador. Tikom ang bibig at mukhang matutuloy na ang pangarap ni ‘PYC’ tuloy sa ambisyon niyang maging Kalihim ng DMW.
P.S. paborito kase ng misis ng Mataas na Mataas na opisyal si PYC at magkakasundo sila sa pag lustay ng AKSYON FUND ng mga OFW.














