Latest News

Mastermind sa Percy Lapid slay, huhubaran

HANDA ang Department of Justice na bigyan ng proteksyon ang sumukong gunman sa pagpaslang sa broadkster na si Percy Lapid upang matukoy ang sinasabi niyang mastermind sa naturang krimen.

Hindi pa naman malinaw kung ilalagay sa “witness protection program (WPP)” ang gunman na si Joel Salve Estorial, na siyang mismong bumaril kay Lapid.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tutukuyin nila kung sino ang sinasabi na nasa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) na pinanggalingan ng kontrata para patayin si Lapid.


Makikipag-ugnayan ang DOJ kay Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag upang mabatid kung ano ang mga impormasyon na nalalaman niya ukol sa galawan ng mga nakakulong sa bilangguan na kaniyang pinamamahalaan.

“I will tell him to give me a report on this, if he has any knowledge already. Because what the gunman said and what the DG knows, we do not know if they are the same. We cannot presume that,” ayon kay Remulla.

Tahasan niyang sinabi na may “big problem” o malaking problema ang sistema ng bilangguan sa bansa na panahon nang ireporma.

“We have a big problem in Bilibid, that’s why we have to reform our prison system and not only the transfer of maximum security, but the regionalization of prisons is now on the table,” dagdag ng kalihim. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Justice

You May Also Like

Most Read