MASTERMIND, ISA PA, TARGET NGAYON NG PNP-AKG MANHUNT MATAPOS MAHULI ANG 3 SUSPEK SA QUE KIDNAP-SLAY

By: Victor Baldemor Ruiz

Agad na pinasimulan ng Philippine National Police Anti- Kidnapping Group (PNP-AKG) ang manhunt operation laban sa dalawang Chinese national na sinasabing mastermind sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo. Ito ay makaraang mapasakamay ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa Que kidnapping slay case kung saan ang isa rito ay Chinese national din.

Sa ginanap na pulong-balitaan ay inihayag ni Police Brig. General Jean Fajardo na natunton nila at nabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa isinagawang backtracking ng mga imbestigador na humantong sa isang bahay sa Meycauayan Bulacan kung saan sinasabing dinala at pinatay ang mga biktima.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay nadakip sa Bgy. IV sa Roxas Palawan noong Biyernes ng hapon ang dalawang Pilipinong kasabwat diumano na kinilalang sina Ricardo Austria David at Raymart Catequista.


Matapos na maaresto ang dalawang Pinoy ay kusa umanong sumuko sa mga awtoridad si David Tan Liao na itinuturong utak sa pagdukot kay Que. Pawang nahaharap ang tatlo sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Lumilitaw din sa isinagawang imbestigasyon na ang Chinese suspect ay naaresto na rin sa kasong kidnapping sa Angeles City noong 2009 at dawit din sa umano sa limang iba pang kidnapping cases sa Metro Manila noong 2022 at 2024, kung saan ay kasabwat na niya ang dalawang Filipino suspects.


“Sa pagkakahuli po kay [suspect], mayroon pa po tayong lima pang kidnapping case na maso-solve dahil involved din po si [suspect] doon sa mga insidente po na yan na kung saan, isa sa mga ginamit po niya ay yung Ford Everest na ginamit sa pagtapon ng bangkay nila Ginoong Anson tan at Ginoong Pabillo. ‘Yung isa pong sasakyan din diyan sa Bulacan ay isa rin po sa ginamit niya sa lima pa pong kidnapping case,” ani Fajardo.

“Maliban po kay [Chinese suspect] ay may dalawa pa pong Chinese national na kasama sa lugar na pinuntahan po ng ating mga biktima,” ani Fajardo na siya ngayong pakay ng manhunt operation ng PNP.


Si Anson Que o Anson Tan ay pinatutubos umano sa pamilya nito na sinasabing nagbayad ng P200 million gamit ang ‘bitcoins’ subalit pinatay pa rin ito.

Nagpahatid naman ng pasasalamat ang pamilya Que at maging ang grupo ng mga negosyante sa pangunguna ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry na pinamumunuan ni Victor Lim, kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at sa mga awtoridad, sa mabilis na pagresolba sa kaso.

“While the arrests mark progress, the FFCCCII urges authorities to pursue the remaining suspects, including purported masterminds and accomplices, with equal rigor. The Federation also stresses the necessity of a thorough investigation to uncover the full scope of this case and other similar incidents, ensuring accountability and deterring future threats to civil order. “ ani Victor Lim.

“The family of the deceased… would like to express its heartfelt gratitude and appreciation to President Ferdinand Romualdez Marcos Jr…. and to all men and women of the police force who tirelessly made their best efforts to arrest the perpetrators in the abduction and murder of Anson Tan or Anson Que,” ayon sa abogado ng pamilya.

Tags: Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)

You May Also Like

Most Read