Patay ang isang 42- anyos na mason makalawa ng umaga matapos na bumulusok ang elevator shaft, sa ginagawang gusali sa Dasmariñas Street., Binondo, Maynila.
Hindi na nadala sa pagamutan ang biktimang si ‘Christopher’, ng 65 Sitaw St., Libis Bulelak, Malanday Marikina na namatay noon din dahil sa. matinding. pinsalang tinamo sa ulo at katawan.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Teody Siguen ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas-10:20 ng umaga sa loob ng elevator shaft na bumagsak mula ika- 16 na palapag at huminto sa ika-apat na palapag.
Ayon sa imbestigasyon, huli umanong nakita ang biktima na nagpa-plaster ng dingding.
May mga nakarinig ng malakas na kalabog sa elevator shaft sa ikaapat na palapag at nang tingnan ay nakita niya ang biktima na nasa loob, duguan at wala nang buhay.
Kaagad niya itong pinagbigay- alam sa kanilang project manager na siyang tumawag sa MPD-homiicide.
Dinala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya.














