Latest News

MASLOG, ILA-LIE DETECTOR TEST NG NBI

By: JANTZEN ALVIN

ISASAILALIM sa lie-detector test at tactical interrogation ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mary Ann Maslog, na kilala bilang ‘Jessica Francisco,’ at diumano ay sangkot sa P24-milyon textbook procurement scam noong 1998.

Si Maslog ay lumutang ay sinasabing may “close ties” sa pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ayon sa kanya, inarkila ito ng Philippine National Police (PNP) para bumiyahe sa Indonesia para hikayatin si Guo na sumuko .


Sinabi rin ni Francisco na nabisita na niya si Guo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, matapos na maiuuwi sa bansa mula sa Indonesia.

Nabatid na noong Setyembre 25, 2024 ay naaresto ng NBI si Francisco kaugnay sa umano’y P5 milyon investment scam at kinumpirma ng fingerprint analysis na siya si Maslog


Ibinasura ng Sandiganbayan ang kaso ni Maslog matapos ipaalam na ito ay namatay noong 2019.

“We will subject her to tactical interrogation and a lie-detector test,”ani NBI Director Jaime Santiago .


“I, along with the officer on the case, will conduct the test to verify the information she is sharing,” dagdag pa ni Santiago.

Ayon kay Santiago, iimbestigahan ng NBI ang katotohanan sa sinabi ni Francisco at ang intensiyon na iugnay si dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, at Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pinatalsik na alkaldeng si Guo.

“There is no such story at this time, but we will thoroughly investigate it. Jessica Francisco and Mary Ann Maslog are one and the same. If we listen to her, it seems like everything will become chaotic. Allow us to conduct a tactical interrogation,” giit ni Santiago, sa kabila nang itinanggi ni Francisco na siya si Maslog pero ang kanilang fingerprint ay magkaparehas.

Sinabi ni Santiago na dinakip nila sa Francisco sa kanyang panlilinlang pero nakilala siya bilang Maslog na unang napaulat na namatay.

Ang textbook procurement scam laban kay Maslog ay ibinasura ng Sandiganbayan matapos na ipaalam na si Maslog ay nasawi noong 2019.

Tags: Mary Ann Maslog

You May Also Like

Most Read