TAHASANG inamin ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na masarap magmahal si Kris Aquino.
Sa panayam sa kanya ni Butch Francisco sa vlog nitong “Pikapika Showbiz” ay nagkuwento ni Mark ang ilang bagay tungkol sa kanilang relasyon ni Kris na hindi pa nalalaman ng mga tao.
Ipinagtapat niyang matagal na niyang crush si Kris at dati nang binibisita niya ito sa condo sa BGC.
“ I would visit her regularly, send her food and flowers,” pagtatapat ni Vice Governor Mark.
“Noon pa man ay malaki na ang paghanga ko sa kanya,” aniya.
Nagsimula raw ang kanilang pagkakamabutihan nitong January 1, 2023 nang binisita niya ito sa Los Angeles.
“I texted her days before New Year, I said ‘I’m in town, can I visit you?’ Lo and behold, she replied and allowed me to go to her place. And the rest, as they say, is history. Now this is our 7th month, going 8th, because August na,” kuwento pa ni Mark.
Magmula noon ay halos araw-araw na raw sila nagkakausap.
“Even when I went home from LA to Manila, we were communicating regularly. Wala yatang araw na hindi kami magka-chat or magkausap, minsan, video call,” dagdag pa niya.
Kahit may sarili siyang bahay sa US sa Hollywood, he stays with Kris sa LA kapag nandoon siya para samahan at alagaan si Kris.
Kasama rin nila sa bahay ni Kris ang kani-kanilang mga anak at katunayan, close na close raw ang kanyang kids kay Kris, gayundin sa dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.
“My children have developed a distinct and special relationship with Kris and her boys, meaning, Kuya Josh and Bimb. Gayundin sa mga kasamahan ni Miss Kris, they have developed a relationship of their own, separate and other than what we have,” say ni VG Mark.
Ang bunsong anak niyang si C2 ay kaedad daw ni Bimby kaya madaling nagkasundo ang dalawang boys.
Tatlo ang anak ni Vice Governor — si Ronin, 24 years old na incumbent mayor ng Lian Batangas, si Arielle na kanyang unica hija, 22, and currently based in US, and si C2, 16 na nag-aaral dito sa Pinas pero sa ngayon daw ay naka-bakasyon sa US at nakatira kay Kris.
Paglilinaw din ni VG Mark na divorced siya at walang kasabit-sabit.
Aniya, very loyal siya kay Kris at walang ibang babae sa buhay niya kundi ito.
Naungkat din kay Vice Gob ang binigay sa kanya na Cartier Trinity ring ni Kris na kung saan suot-suot niya.
Aniya, nangako siya kay Kris na hindi niya ikukuwento ang tungkol dito.
Pero si Kris na raw mismo ang umamin kamakailan sa fan page nito na binigyan nga siya nito ng singsing.
“This Trinity ring comes in three and it symbolizes love, friendship and fidelity,” paliwanag ni VG Mark habang ipinapakita ang singsing.
Nang tanungin kung kaya ba niyang panindigan ang fidelity, ang agad na sagot niya: “Yes, of course, fidelity, loyalty, yes.”
When asked kung nag-away na ba sila ni Kris?
Ayon kay VG Mark, never siyang nakipag-away kay Kris.
“I never fight with her. Sometimes, she misinterprets my discussion as an argument or as you said, as fighting, but God is my witness, I never put up a fight against Kris. But yes, there are times that we argue on some issues, “ aniya.
“Halos lahat ng bagay ay aming napag-uusapan. Kaya naman masarap ding kausap si Kris and she’s a very well-rounded, well-versed, very intellectual-knowledgeable person. She can talk about anything and everything under the sun, may it be politics, domestic politics, global or geo-politics and she`s also very familiar with economics, with the economy, again domestic and foreign.
“Masarap kausap si Kris, masarap kasama si Kris at masarap magmahal si Kris,” pahayag pa ni VG Mark.
Babalik daw siya LA sa Sunday para muling makasama si Kris, kaya naitanong sa kanya ni Butch kung “hello” na ba ulit at hindi naman pala nagkaroon ng “goodbye” tulad ng post ni Kris kamakailan.
“Yung ‘pause’ na sinabi niya? Ewan ko,” nakangiting say ni VG Mark.
“Ayokong mag-comment. Ako, ipapasa-Diyos ko ‘yan. I leave my life even our relationship and status, to God,” say pa niya.
Tapos nito ay naging seryoso na siya sa pagsasabing: “Una sa lahat, ang priority ko naman talaga, yung kanyang paggaling. Kung ako’y nakakatulong man sa kanyang paggaling, ‘yun talaga ang pangarap ko, ‘yun talaga ang aking minimithi, na gumaling siya sa lalong madaling panahon at mabigyan ako ng biyaya ng ating Panginoon na gamitin ako para sa kanyang paggaling. Anuman ‘yun, Diyos na ang bahala.”