Latest News

MASARA LANDSLIDE DEATH TOLL, UMABOT NA SA 90, MASS BURIAL, ISINAGAWA NA

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAKYAT na sa 90 katao ang kinumpirmang nasawi sa naganap na massive landslide sa Barangay Masara sa bayan ng Maco, Davao de Oro base sa pinakahuling tala ng local office of civil defense kahapon.

Base sa inilabas na ulat ng provincial government ng Davao de Oro, may 37 katao naman ang nanatiling missing o target ng search and retrieval operation ng military, sampung araw ang nakalipas mula nang maganap ang landslide na tumama sa Masara na malapit lamang sa isang mining site.

Napag-alamang may siyam na katao ang inilibing sa Mawab Public Cemetery, habang ilang unidentified bodies ang inilagay na lamang sa isang mass grave sa utos ng municipal health office bunsod ng usaping pangkalusugan at sanitation purpose sa lugar.

Samantala, nanatili naman sa 32 ang ilang mga mga nasaktan.

Tags:

You May Also Like

Most Read