MAS MATAAS ANG TAUMBAYAN SA BATAS — SEN. ERWIN TULFO

By: Jerry S. Tan

“Hindi po batas ang pinag-uusapan. Mas mataas po ang taumbayan sa batas.”

Ito ang mariing tinuran ni Senador Erwin Tulfo, Vice Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, kasabay ng pagsabi sa mga kontraktor at opisyal na sangkot sa ‘flood control scandal’ na isauli ang mga pondo ng gobyerno na umano’y kanilang ninakaw mula sa mga proyekto.


Sa ikalimang pagdinig ng komite, binigyang-diin ni Tulfo ang panawagan ng libu-libong Pilipinong nag-protesta noong Setyembre 21: “Hindi ko alam kung nakikinig ho tayong lahat, yung sigaw ng taong bayan na libo-libo sa People Power Monument sa Luneta. Hindi lang po pagnanakaw, they were also shouting, ibalik yung pera nila.”

Direktang hinimok ni Sen. Tulfo ang mga sangkot at sinabing: “Kaya nga po, dito po sa mga kontraktor, mga opisyal, isauli ninyo ang pera ng taong bayan.”

Ang pahayag na ito ay kasunod ng maikling diskusyon sa pagitan ng mga senador at ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla tungkol sa kung ang ‘restitution’—o pagbabalik ng bagay na kinuha ng nagkasala sa tunay na may-ari—ay dapat maging basehan para tanggapin bilang ‘State Witness’ sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).


Para kay Sen. Marcoleta, ang ‘restitution’ ay hindi requirement ng batas para sa pagkonsidera ng applicant sa WPP at ang nasabing pagkonsidera ay lagpas na sa itinatakda ng batas.

Ayon naman kay Sec. Remulla, di lamang dapat batas ang nagdidikta sa sitwasyon ng flood control mess dahil dapat din ikonsidera kung ano ang “morally right” lalo na sa bigat ng isyu ng flood control scandal.




Kinumpirma naman ito ni Sec. Remulla, na nagsabing ang ‘restitution’ ay itinuturing na isang basehan sa pagsukat ng ‘good faith’ ng mga nag-aaply para sa Witness Protection Program.

“Hindi po batas ang pinag-uusapan. Mas mataas po ang taumbayan sa batas” giit naman ni Sen. Erwin, sa pagkatig kay Remulla.


Matatandaang idineklara ni Senador Tulfo na ang pagdalo ng libu-libong Pilipino sa buong bansa noong Setyembre 21 ay nagpadala ng “loud and clear message” sa mga opisyal ng gobyerno.

Tags: Senador Erwin Tulfo

You May Also Like

Most Read