Latest News

MAS MARAMING SOLAR-POWERED IRRIGATION, TARGET NGAYON NG NIA

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng National Irrigation Administration (NIA) na madagdagan ang mga itatayong solar-powered irrigation project sa susunod na taon.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo “Eddie” G. Guillen, ang mga nasabing proyekto ay sagot ng ahensiya sa pangangailangan ng mga magsasaka na mas maraming supply ng tubig sa mga sakahan ng bansa.

Nabatid na may nakalinya ngayon na 183 solar irrigation projects sa iba’t- ibang panig ng bansa.


Ito ay may kabuuang pondo na P1.7 billion at inaasahang makakapag-patubig o maseserbisyuhan ang mahigit sa 2,000 ektarya ng mga taniman.

Sinasabing ang mga naturang proyekto ay maliban pa sa 791 potential sites na isinusulong nilang mapasama sa naturang proyekto.


Sakali umanong maaprubahan at mabibigyan din ng budget ang mga ito, inaasahang mapapatubigan dito ang hanggang sa 39,694 na ektarya sakahan at taniman.

Sa datos ng NIA, umabot na sa 17 ang nakumpletong solar projects ng naturang tanggapan, na may kabuuang pondo na P117.3 million.


Tags: National Irrigation Administration (NIA)

You May Also Like

Most Read