MAS MARAMING BANSA SA EUROPA NAIS MAG-EMPLEYO NG OFWs

MAS maraming bansa sa Europa ang nagbukas ngayon ng oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino sa iba’t ibang industriya habang patuloy na umaayos ang sitwasyon ng pandemya sa COVID-19 sa buong mundo, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nangunguna sa mga bansang ito ang Italy, maging ang mga bansang Austria, Romania, Croatia, Hungary, at Slovakia.


“Italy is now fast becoming an active destination for our OFWs because the employment landscape remains strong and attractive and there is a huge demand for Filipinos,” ayon kay Labor Attaché Atty. Maria Corina Buñag.

Pangunahin na nais kunin ng mga bansang ito ay ang mga healthcare workers partikular ang mga nurses, nursing assistants, at iba pa.

Sinabi ni Buñag na may kakapusan ngayon sa mga healthcare workers sa Europa dulot ng pandemya kaya nangangailangan sila ng dagdag na manggagawa sa sektor na ito. Matapos ang halalan, magsasagawa umano sila ng ‘assessment’ sa mga posibleng employers.


Karamihan umano sa mga oportunidad ay pangmatagalan kaya kumikilos na umano sila ngayon kung paano kikilalanin ng mga naturang bansa ang sertipikasyon ng mga nursing graduates na Pinoy. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like

Most Read