Mas mahigpit na border control, ayaw ng DOH

HINDI nais ng Department of Health (DOH) na magpatupad muli ang gobyerno ng mas mahigpit na border control sa bansa sa kabila ng pagdami na ng mga omicron subvariants at iginiit na handa naman ang healthcare system ngayon.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy ang muling pagtaas ng kaso kapag nagkakaroon ng pagbaba ngunit hindi dapat manatili na nakasarado ang bansa na bumabawi pa lamang ang ekonomiya.

“Di ho natin nirerekomenda ang further restrictions sa ating borders…but we would like to remain vigilant. Our surveillance system is up, we’re closely monitoring, we’re prepared in our communities and hospitals if and when matutuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso dito sa ating bansa,” paliwanag ni Vergeire.


Ang dapat umanong tutukan ng gobyerno sa ngayon ay matiyak na manatiling mababa ang bilang ng mga pasyente na nasa severe at kritikal na kundisyon.

Habang naghihintay pa ang bansa sa “reformulation” ng bakuna na lalaban sa mga bagong sulpot na subvariants, sinabi ni Vergeire na may nalalabi pa namang bisa ang mga naunang COVID-19 vaccines na itinurok sa mamamayan lalo na ang mga nagpa-booster shot na.

“No matter what type of variant you have or you are vaccinated and boosted you can still get the infection because the promise ng ating bakuna para i-block ang transmission ng sakit but to prevent severe and critical infections and of course protect us all from dying from the disease,” dagdag pa niya. (Carl Angelo)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read