NANINIWALA ang OCTA Research Group na matatamo ng bansa ang mas mababa ss 500 arawang kaso ng COVID19 sa Abril.
“That’s what we hope to achieve by April. We hope by the Holy Week our daily cases would actually go down to 500,”ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA Research Team sa Laging Handa briefing.
Nabatid kay Ong na ang COVID-19 reproduction number o bilang ng tao na nahahawa sa isang positibo ay bahagyang tumaas sa 0.260.
“That’s still quite good. We hope that when April enters, the country’s daily cases will be steady at below 500 level,” ani Ong.
Nangangahulugan umano na walang bagong variant of concern na nakapasok sa bansa hanggang nitong Marso 18.
Nabatid na may kabuuang 545 bagong kaso ng COVID 19 hanggang nitong Biyernes. (Anthony Quindoy)