Latest News

Mas mababa sa 500 arawang kaso matatamo — OCTA

NANINIWALA ang OCTA Research Group na matatamo ng bansa ang mas mababa ss 500 arawang kaso ng COVID19 sa Abril.

“That’s what we hope to achieve by April. We hope by the Holy Week our daily cases would actually go down to 500,”ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA Research Team sa Laging Handa briefing.

Nabatid kay Ong na ang COVID-19 reproduction number o bilang ng tao na nahahawa sa isang positibo ay bahagyang tumaas sa 0.260.


“That’s still quite good. We hope that when April enters, the country’s daily cases will be steady at below 500 level,” ani Ong.

Nangangahulugan umano na walang bagong variant of concern na nakapasok sa bansa hanggang nitong Marso 18.

Nabatid na may kabuuang 545 bagong kaso ng COVID 19 hanggang nitong Biyernes.(Jaymel Mauel)

Special vaccination day ,ilulunsad


Maglulunsad ang gobyerno ng COVID19 Special vaccination day sa mga lugar na may mababang immunization coverages.

Sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosarito ,ito umano ang magiging kapalit ng National Vaccination Days na inihinto na ng gobyerno.

Nabatid na kabilang sa mga lugar na tinukoy na may mababang coverage ay ang Cotabato at Cebu, ilang bahagi Lanao Del Sur, ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pinakamababa sa mga rehiyon sa bansa.

Isasagawa umano ang special vaccination day sa katapusan ng Marso o di kaya sa unang linggo sa susunod na buwan.


Inamin ni Rosario na nahihirapan ang gobyerno na kalabanin ang vaccine hesitancy sa ilang lugar sa bansa gaya ng Cebu.

Gayunman, tiniyak ni Rosario na gagawin nila ang lahat para maprotektahan ang bawat Pilipino mula sa nakakahawang sakit. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read