Nachi-chismis ngayon si Mark Herras sa kaibigan nitong si Jojo Mendres.
Dumalo kasi sa signing contract ni Jojo sa Star Music ang Kapuso aktor kung saan nagbigay pa siya ng bulaklak dito.
Paglilinaw ni Mark: “Wala namang masama magbigay ng bulaklak.”
Pagpapakita lang daw ng suporta sa kaibigan ang kanyang ginawa.
Giit niya, wala silang ginagawang masama at nanatili silang magkaibigan at magkatrabaho.
Itinanggi na rin ni Mendrez ang espekulasyon matapos silang makita sa isang hotel at ipinaliwanag na ito ay para sa isang video collaboration.
Si Mark ay kasal kay Nicole Donesa.
Ani Mark: “Just to be there and show my support kay Jojo. I mean, yeah, we started as [katrabaho], and eventually, naging close friends kami. Wala namang masama magbigay ng bulaklak.”
Esplika pa niya: “Ganito lang ho ‘yan. Kapag sinabi kong meron, ang daming magre-react, ang daming magbabash or magsasabi ng kung ano-ano. Kapag sinabi kong hindi, magtatanong pa rin sila. So bahala sila.”
Dagdag pa niya, nagtatrabaho lamang sila at walang masamang
nangyayari sa kanilang samahan.
Si Jojo ang nag-revive ng kantang “Somewhere In My Past” na original na kanta ng namayapang si Julie Vega.
Hindi ito na-release upang maiwasan umano ang lumalalang intriga sa kanilang dalawa ng aktor.