MARIS RACAL NIREGALUHAN NI DRA. BELO NG BRANDED NA BAG

By: Beth Gelena

HINDI makapaniwala si Maris Racal ng regaluhan siya ng celebrity doctor na si Vicki Belo.
Isa itong Chanel bag na first time nagkaroon ng young singer-actress.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagregalo si Dra.Vicki ng designer bag kay Maris.
Ayon kay Maris, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng ganoong brand sa para sa kanya umano ay “so expensive.”
Guest si Maris sa vlog ni Dra. Vicki at  naikuwento  ng aktres ang love story nila ng boyfriend na si Rico Blanco habang nag-Binondo food trip sila.
Walang pagsidlan ng kasiyahan ang “Can’t Buy Me Love” actress nang matanggap ng bonggang Chanel bag mula kay Belo.
Say ng doktora: “Ako lang yung nagbibigay ng designer bags kay Maris.”
Hindi raw kasi iyon ang unang pagkakataong niregaluhan niya ang aktres ng designer bag.
“Oh my God isi-share ko ba to? Babe, sorry!”
“First was Gucci then ito, Bottega,” saad ng girlfriend ng Rivermaya member.
“Oh my God, Doc, ang ganda! Naiiyak ako.  Hindi ko ine-expect na magkaka-Chanel ako sa buhay ko… Swear! So expensive!” say ni Maris sa regalong natanggap.
Ay, sana all!
Dra. Vicki beke nemen, hehehe.
Tags: Maris Racal, Vicki Belo

You May Also Like