NAKASAMA pala ang movie ni Maris Racal na “Sunshine” sa Toronto Film Festival pero hindi makaka-attend ang young actress sa nasabing international filmfest.
Ang “Sunshine” ang nag-iisang Filipino film na nag-participate ngayon sa TIFF. Kasalukuyan kasing nasa Italy si Maris para sa shoot ng upcoming series nilang “Incognito.” Gustuhin mang um-attend ng young singer/actress sa Toronto ay hindi na raw puwede.
Paliwanag niya: “I made a committment kasi and this (‘Incognito’ shoot in Italy) is booked na way early this year. I appreciate naman the production and ABS-CBN, they really tried to move things around for me ‘cause they know how important TIFF (Toronto International Film Festival) is for me. They really tried. They really tried to change the schedule but matagal na talagang naka-book ‘yung Italy. Doable naman sana kung sa Pilipinas lang ‘yung shoot, kaso sa Italy kasi ang daming madadamay na schedules, na-book na mga places.”
Ang nakakasama pa raw ng loob, natanggap na niya ang kanyang passport nung araw ding yun of her Italy flight with Canadian visa approval.
“My visa got approved kaninang umaga (September 10). Heartbreaking. But it’s not about me naman eh, the important thing is there is a Filipino movie na kasama sa TIFF 2024. Direk Tonet (Jadaone) will be there. I’ll be there in spirit. Beaming with pride, I’m in Italy to support them.”
Alam naman ng lahat na kagagaling lang ni Maris sa heartbreak, aniya: “I’ve moved on. Ang dami ko nang naiyak, I’m like okay lang ako.”
Ang TIFF ay isa sa top five international movie festivals na ginagawa globally.
“I heard na sold out na lahat ng tickets. Thankful ako, excited ako sa mga reaction ng mga tao,” say pa niya.