Latest News

Marino, pumatol sa 10-anyos na pokpok, arestado

Arestado ang isang 28-anyos na Marino matapos na ipahuli ng isang 10-anyos na dalagita na unang ibinugaw sa kanya, sa isang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Sampaloc,Maynila.

Nabatid na nagreklamo sa Manila Police District-Police Station 4 ang biktima para ireklamo ang suspek nang mul itoing nagyaya na makipagkita sa kanya at makipagtalik.

Una umanong ipinakilala ang biktima sa suspek ng dalawang bugaw kung saan binigyan umano ng suspek ng tig-P2,000 ang dalawang bugaw. Nang matapos ang pakikipagtalik sa dalagita ay bumalik sila sa Isetan,Recto pero wala na ang dalawang bugaw at binigyan lamang ng P1,500 ang dalagita.


Muli na namang kinontak ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng Facebook at muling niyaya na makipagtalik sa halagang P2,500. Lingid sa kaalaman ng suspek,dumiretso sa pulisya ang biktima at nagreklamo, kaya ikinasa ang entrapment operation.

Nakipagkita umano ang dalagita sa isang fastfood restaurant at matapos na magpadala ang suspek ng P2,500 sa kanyang G-cash, alas-12:30 ng tanghali, ay niyayaya na ng suspek ang bata dahil nakapagbayad na umano sa kanya.


Sa puntong iyon, lumapit ang kasamang mga pulis ng biktima na nakaupo sa di kalayuan at saka inaresto ang suspek.

Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Sec.11 of R.A. 9208 (Use of Trafficked Person) Qualified Trafficking in Person,ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Cal Angelo)


Tags: Manila Police District-Police Station 4

You May Also Like

Most Read