Latest News

Marijuana plantation, sinalakay ng NBI

By: Baby Cuevas

Nasa 40,500 “fully- grown” marijuana plants na nagkakahalaga ng may P8.1 milyon ang nadiskubre ng National Bureau of Investigation – Cordillera Autonomous Regional (NBI-CAR) office sa isinagawang operasyon sa 15 marijuana plantation sites na nasa 8,100 square meters, kamakailan sa Kibungan, Benguet.

Napag-alamang nakatanggap ang NBI-CAR ng impormasyon mula sa asset nito noong Enero 5, 2024 kaugnay sa ilang marijuana plantation.

Ang marijuana plants ay nakatakda nang anihin ngayong buwan.

Nitong Enero 10 dakong alas- 4 ng madaling araw nang salakayin ng pinagsanib na tauhan ng NBI-CAR at PDEA-CAR ang nasabing lugar.

Wala namang naaresto ang mga awtoridad na nag-aalaga sa naturang marijuana plantation.

Sinira na.lamang ng mga awtoridad ang mga marijuana plants na kanilang nakita matapos ang isinagawang dokumentasyon.

Tags:

You May Also Like

Most Read