Pinayagan ng Sandiganbayan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ang kanyang pamilya na malapag prisinta ng kanilang depensa kaugnay sa ill -gotten case na isinampa laban sa kanila noong 1987.
Sa 13 pahinang reaolusyon ng Sandiganbayan, ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng gobyerno ng Pilipinas na ideklarang aliain na ang kanilang karapatan na makapag prisinta ng ebidenaiya dahil sa pagkabigo na lumutang sa ginanap na court hearing noong Agosto 13,2019 na itinakdang petsa pata makapag prisinta ng ebidensiya.
Nabatid na sa Civil Case 0014 , Panlilio couple na si Rebecco at Erlinda, umano’y mga business associates ng namayapag diktador President Ferdinand Marcos at asawa nitong si Imelda ay umaktong dummy para makuha ang pag may-ari ng Ternate Development Corp., Monte Sol Development Corporation, Olas del Mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort, Inc., Sulo Dobbs, Inc., Philippine Village, Inc., Silahis International Hotel, Inc., atHotel Properties, Inc. matapos na makakuha ng financial assistance mula sa government institutions ng liberal terms para sa kanilanh financial at pecuniary interests.
Gayundin, sinamantala ng Panlilio couple, spouses Modesto Enriquez at Trinidad Diaz-Enriquez Leandro Enriquez, Guillermo Gastrock, Ernesto Abalos at Gregorio Castillo, ang pgaiging malapit nila sa mag-asawang Marcos para mapauaman ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pera ng mamamayang filipino.
Ang ruling ay iniayu ni Sandiganbayan Second Division na nilagdaan nina Associate Justices Arthur Malabaguio, Oscar Herrera at Michael Frederick Musngi. (TSJ)