TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagsusumikap ang kanyang administrasyon na mapabuti ang sistema ng pensiyon para sa mga beterano upang masigurong lahat sila ay maayos na nababayaran bilang bahagi ng pagkilala sa naging kontribusyon para sa Kalayaan ng bansa.
“Ang aming tinitingnan ay kung paano natin patibayin ang sistema ng pagbigay ng pensyon sa ating beterano…Tiyakin muna na may sistema upang lahat ng ating beterano ay makatanggap ng kanilang tamang pensyon,” pahayag ng Pangulo sa 81st Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.
“Kapag naayos natin ito, tsaka na natin tingnan kung ano pa ang pwede nating ibigay,” tugon ni Marcos nang tanungin kung may plano ang gobyerno na taasan ang pensiyon ng humigit-kumulang 1,000 mga beterano na nakaligtas noong World War II sa bansa.
Ani Marcos, iararapat lamang na alagaan ang mga nalalabing beterano na nakipaglaban alang-alang sa Kalayaan ng bansa. (Anthony Quindoy)














