Latest News

Mar Valbuena at Ira Panganiban, sinampahan ng cybercrime charges ni Bautista

By: Jantzen Alvin

Sinampahan ng cybercrime complaints ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista nitong Martes sina Manibela President Mar Valbuena at Ira Panganiban kasunod ng alegasyon ng korapsiyon laban sa kanya.

Sa isang pahayag, nabatid na isinampa ni Bautista sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong paglabag sa Article 355 in relation to Article 353 ng Revised Penal Code of the Republic Act 10175 o Cyber Crime Prevention Act laban kina Valbuena at Panganiban.


Ang naturang reklamo ay tinanggap ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty.

Sa kanyang isinumiteng charge sheet, sinabi ni Bautista na hindi niya mapapayagan ang sinuman na dungisan ang kanyang magandang reputasyon at integridad.


“I cannot allow myself to be the subject of another’s desperate attempt to attain fame, especially when malicious, baseless, and untruthful statements are hurled against me, if only to put a blemish on my untarnished track record and reputation of excellence and integrity,” pahayag ni Secretary Bautista.

Kaugnay nito, nanindigan rin si Bautista na hindi siya sangkot sa anumang korapsiyon at panunuhol sa DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


“For the record, I have never received any bribe of some sort, much less used any amount of money to maintain my position as Secretary of the DOTr,” aniya pa.

Tags: Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista

You May Also Like

Most Read