Namatay noon din ang isang estudyante ng Mapua matapos na tumalon kamakalawa ng gabi mula sa 10th floor ng Isang condominium building sa Ocampo Street, Malate, Maynila.
Kinilala ni Manila Police District -Police Station 9 Commander Col. Salvador Tangdol ang biktimang si Denisse, Mapua student at residente ng Unit 1001 Goldmine Tower, sa P. Ocampo St., Malate, Maynila.
Naganap umano ang insidente 11:56 ng hatinggabi sa parking area ng SLTEAS Phoenix Solution INC. na.matatagpuan sa 740 P. Ocampo St. Malate, Maynila.
Naisugod pa sa Manila Adventist Hospital ang biktima pero idineklarang patay 3:56 ng madaling araw dahil sa matinding pinsala sa katawan.
Patuloy na iniimbestigahan ni PSSg Arvy Macarasig ,imbestigador ng MPD-homicide section, ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.














