PALABAS na sa September 25 ang movie ng dalawang lead young stars na sina LA Santos at Kira Ballinger na “Maple Leaf Dreams.”
Napanood namin ang premiere screening ng “Maple Leaf Dreams” na kahit simple ang story, sobrang makaka-relate ang mga manood lalo sa mga gustong magtrabaho sa abroad, especially sa Canada.
Sina Kira at LA. bilang sina Molly at Mickey, ay magkasintahan, pero may ambisyon si girl na pumunta sa ibang bansa para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.
Ayaw kasi niyang maging sunud-sunuran ang kanilang pamilya sa kamag-anak na may sinasabi sa buhay lalo na kapag nakikita niyang sinisigawan ang ama (Joey Marquez) dahil may utang na loob sila dito.
Ang kamag-anak kasi nila ang tumulong kay Kira para siya makapagtapos ng pag-aaral kaa naisip ni Molly na magpunta sa abroad at Canada ang napili niya kaya niyaa niya ang boyfriend na si Mickey.
Sobra ang pagmamahal ni Mickey kay Molly kaya kahit may maganda siyang posisyon sa isang kompanya bilang manager ay pumayag siyang samahan ang girlfriend sa journey nito.
Nag-apply sila bilang student visa at naaprubahan naman.
Agad naman silang nakaalis nang ibigay ng ama ni Molly ang naipon nitong pera sa kanilang pamilya.
To make the story short, lumipad na ang magkasintahan sa Canada.
Ipinakita sa movie ang magagandang lugar sa Canada na hinahangad ng mga Pinoy na marating.
Pero sakripisyo at dusa ang sinapit ng magkasintahan lalo na sa parte ni Mickey.
Si Molly kasi ang nag-aaral samantalang si Mickey ay hirap makahanap ng work.
Lately, nakatiyempo siyang Pinoy na may sariling business na pagkaing Pinoy.
Nag-try siyang magtanong nang malaman niyang kapwa-Pinoy ang kausap at kinuha naman siyang helper nito.
Then, times goes by na ang sweet na samahan ng dalawa ay nauuwi na sa pagtatalo kapag parehong mainit ang kanilang ulo.
Dahil parehong pagod, konting bagay lang ay kanilang pinagtatalunan.
Dito na maririnig ang dialogue ni Mickey: “Ang ganda-ganda ng trabaho ko sa Pilipinas, manager ako. Pero dito, lahat naranasan ko ang masasakit na salita. Hindi nirerespeto, lulunukin ang lahat, dahil mahal kita kaya sinamahan kita.”
Sagot naman ni Molly: “Ganun, sumbatan na ang gusto mo.”
Pagmamahalan ang matibay nilang pundasyon kaya kapag okey na ay pareho silang nagso-sorry.
Tear-jerker kung tutuusin ang “Maple Leaf Dreams,” lalo na nang dumating ang matinding pagsubok sa kanila.
In reality, dumating sa point na gusto nang sumuko ni Molly dahil namatay ang kanyang ama.
Sinisi niya ang sarili niya, kasi kung hindi raw binigay ng ama sa kanya para makapag-abroad sana raw ay nagamit na pampagamot ang pera.
Hanggang sa hindi na nagkikibuan ang dalawa at imbes ay nagsisigawan na lang.
Gusto ng umuwi ni Molly sa Pilipinas, pero may nagpayo sa kanya na kapwa nila Pinoy.
Payo nito: “Ngayon ka pa ba susuko, ang dami nyo nang pinag-daanan.”
Tama ang sabi ng lahat na sakripisyo ang pagdadaanan ng nasa abroad na malayo sa pamilya.
Pasko, birthdays at iba-iba pang okasyon ay titiisin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Tulad ng mga kwento ng OFW na nasa Canada kung saan may mga nagtapos ng pag-aaral, graduate ng UP at professor noon dito sa Pinas, pero gusto ring mabago pa ang buhay kaya pumunta ng Canada kahit na mag-umpisa siyang magtrabaho bilang helper.
Kanya-kanya silang kwento para lang matamo ang kanilang pangarap na maging permanent resident sa Canada.
In the end, nalampasan lahat nina Molly at Mickey ang lahat ng pagsubok sa buhay.
Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho, gayundin naman si Mickey.
Na-petition din ni Molly ang ina at kapatid dahil nagkaroon na siya ng permanent residency o PR.
Nalulungkot lang siya dahil hindi na niya makakasama ang amang nagmamahal sa kanya.
Nakakabilib ang karakter nina LA at Kira sa movie dahil matibay ang kanilang pagmamahalan at hindi nila sinukuan ang kanilang “dreams” hindi lang para sa kanilang pamilya kundi para sa bubuuin nilang pamilya.
Ipinakita ng “Maple Leaf Dreams” ang aral kung ikaw ay nangangarap na tumira sa mayayamang bansa.
Nabigyan ng dalawang young stars ang kanilang karakter bilang sina Mickey at Molly.
Actually, nakakagulat ang akting ni LA sa movie, gayundin si Kira.
Wala silang big stars na kasama pero kering-keri nilang dalahin ang pelikula.
Natanong tuloy ng aming katabi: “
Di ba sa Canada rin nag-shoot ng sequel movie sina Kathryn Bernardo at Alden Richards?”
Sagot naman ng yours truly: “Bakit may konek ba ang movie nila sa Maple Leaf Dreams nina LA at Kira?”
Anyway, congrats LA at Kira…clap..clap…clap.
Kudos kay Direk Benedict Santos, congratulations!!!