Latest News

‘Mapanirang’ komento ni Iga Swiatek kay Alex Eala, ’di pinalampas ni Maria Sharapova

LUMIKHA ng hindi inaasahang kasaysayan sa 2025 Miami Open ang 19-anyos Pinay tennis sensation na si Alex Eala matapos nitong talunin ang world’s no. 2 na si Iga Swiatek sa puntos na 6-2, 7-5 para masiguro ang kanyang puwesto sa semifinals.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagmarka ng milestone sa karera ni Eala subalit umakit din ng ng
atensyon sa world tennis community.

Gayunpaman, nagkaroon ng kontrobersya ang Swiatek-Eala game.


Ayon sa reports, nagkomento umano si Swiatek na ang panalo ni Alex sa kanya ay isa lamang “stroke of luck” o suwerte at hindi pagpapakita ng tunay na galing sa tennis ng batang Eala.

Ang komentong ito ng natalong si Swiatek ay naging dahilan para magalit ang fans pati na rin ang ilang tennis players.


Kaya naman pati si Maria Sharapova, dating world number one at isang legend sa tennis sport, ay hindi nagpapigil para ipagtanggol si Eala sa aniya ay ‘mapang-insultong’ komento ni Swiatek.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Sharapova:
“Losers always blame others. Alexandra (Eala) played a
fantastic match and fully deserved that victory. Instead of downplaying someone else’s success, we should be learning from them.”


Agad nag-viral ang post ni Sharapova at umani ng malawak na suporta at pagsang-ayon mula sa tennis community.

Samantala, kapansin-pansin na ang tennis career ni Swiatek ay nahaharap ngayon sa pagsubok.

Kasunod ng kanyang pagkatalo kay Eala, umatras siya sa idaraos na Billie Jean King Cup sa kanyang sariling bansang Poland, at ang
binanggit niyang dahilan ay para umano makapag-focus siya sa kanyang sarili.

Inanunsyo ni Swiatek ang pag-atras sa Billie Jean King Cup matapos ang early exit niya sa Miami Open at pressure na rin mula sa fans at kanyang mga kritiko.

Tags: Alex Eala

You May Also Like

Most Read