MAPALAD ANG UDM SA PAGKAKAROON NG PANGULONG GAYA NI DR. TRIA

By: Jerry S. Tan

Nakakatiyak na ngayon ang komunidad ng Universidad de Manila (UDM) ng maayos, malinis at magaling na pamamalakad sa mga darating na taon, matapos na mabigyan ng panibagong termino si Dr. Felma Carlos-Tria bilang Presidente pa din ng unibersidad.

Nakuha ni Dr. Tria ang buong-buong tiwala ng UDM Board of Regents (BOR) nang siya ay mahalal na muli para pamunuan ang UDM.


Kung matatandaan, si Tria ay nagsilbi bilang UDM President para punuan ang naiwang termino ng dating Presidenteng si Malou Tiquia. Dahil nag-expire na ang nasabing termino, kinailangang magbotohan ang BOR at nagkakaisa nga nilang ibinoto si Dr. Tria para pamunuan ang pamamalakad ng nasabing university sa mga susunod na taon.

Nakuha ni Dr. Tria ang buong-buong suporta sa kabila ng kaliwa’t-kanang paninira laban sa kanya. Siyempre pa, inaasahan na may mga nagnanasang kunin ang kanyang puwesto.

Pero dahil dinaig ng kagalingan ni Tria ang paninira ng mga may gusto sa kanyang posisyon, hindi sila nagtagumpay.


Apat na taon pa lang nagsisilbi si Tria bilang UDM President pero ang haba na ng listahan ng accomplishments ng UDM at sa ilalim din ng kanyang pangangasiwa napasama ang unibersidad sa listahan ng mga ‘top universities’ sa international na antas.

Hindi rin basta graduates, kundi ethical leaders at responsableng global citizens na kumakatawan sa transformative mission ng pamantasan ang mga naging produkto ng UDM sa ilalim ni Tria at di matatawaran ang kanyang ambag di lamang sa progreso ng ng kanyang mga mag-aaral kundi maging sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs).


Mayo 2024 nang pasinayaan ng pamantasan ang Amb. Francis Chua Technology Wing, isang state-of-the-art facility na naging possible dahil sa suporta at donasyon ni Chua at inaasahang magiging hub para sa technology-driven education, innovation at research, at tiyaking handa ang mga mag-aaral ng UDM sa hamon ng digital sa mga darating na taon.

Ngayong taon naman ay pumasok na ang UDM sa Times Higher Education (THE) Impact Rankings, kasama ng 2,300 universities sa buong mundo at nagpakita din ng kalakasan sa “No Poverty, Gender Equality, Partnerships for the Goals and Peace, Justice and Strong Institutions”.


Pinatutunayan lamang nito na ang lokal na pamantasan ay makakagawa ng makabuluhang ambag sa mga pandaigdigang hamon.

Ipinagmamalaki din ng administrasyon ni Tria na lahat ng 18 undergraduate programs ng UDM ay tumanggap ng Certificates of Program Compliance (COPC) mula sa CHED, habang ang Association of Local Colleges and Universities – Commission on Accreditation (ALCUCOA) ay ginawarang ng Level II Accreditation sa loob ng maikling panahon.

Ang mga UDM graduates ay ‘consistent’ din sa kanilang performance sa licensure exams, na may passing rates na 92.41% sa Criminology, 83.33% sa Nursing at 100% para sa Professional Teachers in 2025 at dahil dito ay tuloy-tuloy ang university Academic Excellence Awards.



Matagumpay ding natapos ni Tria ang prestihiyosong CHED–AIM Global Academic Leadership Program for Local Universities and Colleges (GALP LUC) sa Asian Institute of Management. Ang kanyang capstone project, “Place-based Postgraduate Education Case Analysis: Experiential Learning at the Workplace,” ay nagpapakita sa kanyang pananaw sa pag-integrate ng real-world applications sa academic learning at tumitiyak na ang mga UDM graduates ay parehong competent at responsive sa mga pangangailangan ng komunidad.

Sa ilalim ni Tria ay nakapagpakita rin ang UDM ng malakas na academic partnerships na itinatago sa Asia at lagpas pa, kabilang na ang kolaborasyon sa mga institutions sa China, Korea, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand at Russia.

Nitong Mayo 2025 lamang, ang UDM ay lumagda sa mahigit na 30 institutional partnerships sa research, curriculum development and academic exchange. Kapareho ding halaga nito ang pagpapalakas ng UDM ng research culture.

Ang mahigit na 100 faculty members ay nagprisinta ng kanilang mga nagawa sa national at international conferences at ipinakilala din ang policy initiatives para mai- institutionalize at mapanatili ang kultura ng pagsasaliksik.

Sa ilalim pa rin ng pamumuno ni Tria, ang UDM ay nakapamahagi ng mahigit ?171 million sa Social Amelioration Program (SAP) funds sa mahigit na 20,000 students sa pagitan ng 2023 at 2025 at dagdag pa rito, ang ‘Taas Noo Manileño Graduation Gift’ ay nagkaloob ng P3.5 million sa 1,817 graduates upang suportahan ang kanilang transisyon sa workforce.

Bilang karagdagan, ang Associate in Barangay Governance (ABG) Program ay nakapagsanay ng 50 barangay officials sa fiscal management, legislation at digital governance at dito, tinitiyak na ang edukasyon ay lumalawig hanggang sa grassroots leadership.

Mula sa award-winning Seismic Sentinel earthquake detection system hanggang sa pagiging kampeon sa entrepreneurship at taekwondo, napatunayan ng UDM na ito ay ‘hub’ ng “innovation and holistic development.” Ang integration ng Microsoft 365 at campus-wide connectivity ay lalo pang pinatunayan ang paghahanda sa hinaharap at mabawasan ang digital inequalities.

Sa pamamagitan ng paghanay ng mga programa nito sa UN- SDGs, pinakita ng UDM na maari nitong baguhin ang buhay ng mga mag-aaral habang nakakapag-ambag sa progreso ng bansa.

Ang mga milestones na ito ay tumitiyak din na ang mag-aaral ng UDM ay tumatanggap ng edukasyon na kapantay ng uri ng edukasyon na nakukuha sa mga institusyong may national at international standards.

Di maikakaila na sa ilalim ng pamumuno ni Tria, ang UDM ay nakapagpakita na ang mga local university ay maaring lumikha ng tinatawag na ‘global mark’.

Mapalad ang mga mag-aaral ng UDM sa pagkakaroon ng Presidente na gaya ni Dr. Tria.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: Dr. Felma Carlos-Tria

You May Also Like