Latest News

Manyak sa FB ng menor de edad, arestado ng NBI

BUMAGSAK sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na gumagamit ng social media para makapanloko ng mga menor-de-edad na babae para kaniyang makatalik, sa ginanap na operasuon,nitong Martes sa is Iligan City.

Nabatid kay NBI OIC Director Eeic Distor, ang suapek ay kinilala ni NBI-Iligan head Abdul Jamal Dimaporo na si Louell Vincent Austria, 28.

Modus operandi ng suspek na Ayon sa makikipagkaibigan sa mga menor se edad na babae sa pamamagitan ng Facebook .


Nag aalok rin ang suspek ng pera sa kanyang mga biktima kapalit nang pagpapakita ng hubad na katawan ng mga biktima gamit naman ang messenger.

Sa sandaling makakuha ng larawan ay pagbabantaan naman ni Austria ang biktima na ikakalat ang larawan sa Facebook para mapuwersa ang batang babae na makipagkita sa kaniya at makipagtalik.

Nanatid na isang biktima ni Austria ang dumulog sa NBI para ireklamo ang modus ng suspek.

Nagkasa ng entrapment operation ang NBI at naaresto ang suspek sa loob ng isang kuwarto ng isang lodging house sa Brgy. San Miguel ,Iligan City.


Sinampahan ng mga kasong paglabag sa Expanded Anti Human Trafficking in Persons Act of 2012, Anti Photo and Video Voyeurism Act of 2009, Anti Child Pornography Act of 2009, Anti-Child Abuse Law at ang Cybercrime Prevention Act of 200s,ang suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read