MANYAK NA TIYUHIN, KALABOSO

Kalaboso ang inabot ng isang diumano ay miyembro ng Sputnik Gang matapos na ireklamo ng kanyang 12-anyos na pamangkin ng panghihipo sa kanyang ari habang natutulog ito katabi ng anak ng suspect, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Ipinadampot mismo ng kanyang ina ang suspek na kinilalang si Adrian Pantaleon,35, at residente ng Meding Street, Malate,Maynila.


Sa reklamo nig biktima sa Manila Police District-Police Station 9,natutulog sila ng kanyang pinsan na anak ng biktima alas-5 ng hapon nang maramdaman niya na may humihimas sa kanyang-ari.

Nang imulat ang mata ay nakita niya ang tiyuhin kaya kaagad niyang inalis ang kamay nito at lumabas ng kuwarto kasama ang kanyang pinsan at nagsumbong sa kanyang tiyahin na nasa New Zealand, sa pamamagitan ng messeger sa Facebook.

Kaagad namang tinawagan ng tiyahin ang lola ng biktima para samahan itong magreklamo sa pulisya, dahilan para arestuhin ang suspek sa kanilang bahay.


Sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 (Child Abuse) sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Anthony Quindoy)


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like