Kalaboso ang inabot ng isang 42- anyos na Barangay Tanod matapos na “manyakin” ang isang 12-anyos na dalagita,kamakalawa ng madaling araw sa may Dagonoy St. Malate,Maynila.
Sinampahan ng kasong act of lasciviousness in relation to RA 7610 sa Manila Prosecutors Office ang suspek na si Rolando delos Santos at taga No. 1139 Dagonoy Street, Malate, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 6, naganap.ang insidente sa may Dagonoy St.,alas 2:45 ng madaling araw.
Nabatid na naglalakad umano ang biktima si Ana,di tunay na pangalan, estudyante sa lugar para hanapin ang naiwan na cellphone nang buhat sa kanilang likuran ay sumulpot ang lasing na suspek.
Niyakap nang padakma sa likuran ng suspek ang biktima kaaunod ay nilamas ang dibdib.
Nagawa umanong makakawala ng biktima at nagsumbong sa kanyang ina na siyang nagreklamo sa pulisya kaya nahuli ang suspek. (Philip Reyes)