MANUFACTURER NG PEKENG DIPLOMA, ARESTADO SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

KULONG ang binagsakan ng isang 49-anyos na lalaki na gumagawa umano ng mga pekeng diploma, sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District -District Intelligence Division (DID)Tracker team Martes ng hapon sa Claro M Recto Avenuesa Brgy. 395, Sampaloc. Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-DID ngayon ang suspek na si Mario Talastasin alyas Mar, ng No. 315 Libis Gochuico, Brgy. 22, Caloocan City.


Ayon kay DID chief PLt Col John Guiagui,nadakma ang suspek alas- 4:12 ng hapon matapos iabot ang P500 bayad sa ipinagawang pekeng diploma ng isang police asset na nagpanggap na customer.

Nakumpiska sa suspek ang pekeng diploma, pekeng resibo at P500.marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa. Art. 172(Falsification of Public Documents) ng RPC ang suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District - District Intelligence Division (MPD-DID)

You May Also Like