Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na mayroon nang manufacturer ng COVID-19 vaccine ang nag-apply ng certificate of product registration (CPR) sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Vergeire, ito ang COVID-19 vaccine na Janssen ng Johnson and Johnson.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay pinag-aaralan na ng FDA ang nasabing aplikasyon.
Nabatid na sa sandaling ang nasabing bakuna ay nabigyan ng CPR, magiging available na rin ito sa merkado.
Nilinaw rin naman ni Vergeire na hindi pa nakakarating sa FDA ang sinasabing na aplikasyon ng AstraZeneca para sa CPR. (Jantzen Tan)














