Inanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente na makiisa sa Independence Day activities sa Maynila.

MANILENYO, INANYAYAHAN NI MAYOR HONEY NA MAKIISA SA INDEPENDENCE DAY ACTIVITIES

By: Jerry S. Tan

INANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga residente na saksihan o di kaya ay makibahagi ay sa mga aktibidad sa Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng ika-127 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni Lacuna na base sa calendar of events ng Department of Tourim, Culture and the Arts of Manila (DTCAM) na pinamumunuan ni Director Charlie Dungo, ang selebrasyon ngayong taon na may temang, “Kalayaan 2025: Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,” ay tatampukan ng isang araw na pag-aalay ng serbisyong medikal at Kadiwa products para sa publiko


Mula June 10-11, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kabilang naman sa activities ang ‘Pampamahalaang Programa at Serbisyo/Kadiwa ng Pangulo’ sa Central Lagoon, Rizal Park at ang AFP and Major Uniformed Services Static Display malapit sa Ma. Orosa Street, Rizal Park.

Sa June 12, ang ‘Araw ng Kalayaan Simultaneous Comemorative Programs’ ay gaganapin dakong alas-7 ng umaga, kabilang dito ang ‘Parada ng Kalayaan’ sa Quirino Grandstand sa 7:30 ng umaga at ang ‘Musikal III: Ang Tanghalan at ang Kalayaan’ na gaganapin naman sa Metropolitan Theater ganap na alas-7 ng gabi.

Nauna dito, ginanap naman ang Musikalayaan’ sa Rizal Park noong June 5, kasabay ng job fair na ginanap sa SM Manila.


Ito ay sinundan ng Parada ng Pag-anyaya na nagsimula sa Rizal monument at nagparada sa mga pangunahing kalsada noong June 8 at ang ‘KliniKalayaan: Serbisyong Kalusugan Para sa Bayan’ na ginanap naman nitong June 10 sa Rizal Park open-air auditorium.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News