Latest News

Manila Fire Department official, nahilo sa basketball court, patay

Patay ang Chief Operation ng Manila Fire Department (MFP) matapos na mahilo at mawalan ng malay habang naglalaro ng basketball sa ika apat na palapag ng MFD Headquarters,kamakalawa ng gabi sa Rizal Avenue corner Quiricada St.Sta.Cruz,Maynila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jay Irene Manalili,ng Manila Police District -homicide section,nakilala ang biktima na si F/Insp. Gaudencio Magallanes,55,chief Operation ng MFP.

Naganap umano ang insidente alas 7 ng gabi habang naglalaro ng basketball ang biktima at ilang beses nakapag shoot ng bola nang itinaas nito ang kamay at nagpalabas sa court dahil nakakafamdam umano siya nang pagkahilo.

Umupo umano sa sahig ng court ang biktima pero bigla itong natumba at nawalan na ng malay.

Mabilis naman isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center(JRMMC) ng kanyang mga kasamahan na bumbero pero idineklara itong dead on arrival.

Ayon naman sa impormasyon ng kaanak ng biktima, may sakit umano itong hypertension. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read