Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula nanguna sa pagdaraos ng Easter Vigil Mass sa Manila Cathedral

By: Carl Angelo

MISMONG si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nanguna sa pagdaraos ng Easter Vigil Mass sa Manila Cathedral at tradisyunal na “Salubong”, para sa pagdiriwang ng mga Katoliko ng Easter Sunday o Linggo ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

Sinabi ni Advincula sa kanyang Easter message na panahon na upang buksan ng mga tao ang kanilang mga mata kay Hesus na muling nabuhay at buhaying muli ang kanilang pananampalataya dito.


Ayon kay Advincula, “He (Jseus) is not a figure or a character from the past. He is with us as He was with the apostille and His early followers. He lives and walks with us. He calls us to follow Him. He invites us to turn away from our sinful lives and walk the path to life and eternity.”

“Easter is a moment to accept the new life that Jesus is giving to everyone. He conquered sin and death. And he is assuring us that we can do the same. He is offering us a chance to live again and rise from our afflictions and failures,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Advincula ang mga mananampalatayang Katoliko na maging isang tanglaw ng pag-asa para sa lahat at patuloy pang palaguin ang kanilang pananampalataya at pagmamahal.


Tags: Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula

You May Also Like