ISANG manhunt operation ang ipinag-utos ng PNP Police Regional Office 13 laban sa isang lalaking sinasabing may sayad na namugot sa ulo ng walong buwang pamangkin at pumatay sa kanyang kapatid sa pananaga sa Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Mainit, Surigao del Norte.
Ayon kay PNP-PRO 13 Regional Director POLICE BRIGADIER GENERAL ROMEO M CARAMAT JR., agad niyang ipinag utos hot pursuit operation para sa mabilis na pag–aresto sa suspek na kinilalang si si Fred Avila Sequira, 33-anyos.
Brutal na pinagtataga ng suspek ang kanyang 23 anyos na kapatid na kinilalang si Johnny Avila Sequira .
Ayon sa Mainit Municipal Police Station sa Surigao del Norte, lumilitaw sa pagsisiyasat na ang suspect ay may deperensiya sa pag iisip lalo na’t kung nalilipasan ng gutom.
Sinasabing wala ng ulo ng matagpuan ang anak na babae ng biktima, habang tinaga naman sa mukha at leeg si Johnny Sequira.
Nadiskubre ang krimn ng may makakita sa suspek na tumatakbo na may dalang bag at itak na lumabas mula sa bahay ng mga biktima.
Agad na nagsiyasat ang kapitbahay na nakakita sa suspek at laking takot nito nang makita ang mga bangkay sa kusina ng bahay.
Nagpapatuloy naman ang ginawang hot pursuit operation sa Mainit Municipal Police Station at 1st Surigao del Norte Mobile Force Company. (Victor Baldemor)














