Latest News

MANGINGISDANG TATLONG ARAW NANG NAWAWALA, NASAGIP NG PCG

By: Baby Cuevas

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Pangasinan ang isang mangingisda na may tatlong araw nang nawawala.

Napag-alaman na ang mangingisdang si Dexter Abalos, 32, ay natagpuan may 30 nautical miles off the coast ng bayan ng Agno.

Diumano, pabalik na ang biktima sa pampang nang mabangga ng isang dolphin ang kanyang sinasakyang motorbanca, dahilan upang ito ay tumaob.


Nagawa umano ng biktima na lumangoy patungo sa isang fish marker o ‘payao,’ at doon itinali ang kanyang bangka.

Nanatili ang biktima sa naturang fish marker ng tatlong araw hanggang sa siya ay matagpuan ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) aircraft BN ISLANDER PCG-251.

Samantala, ang mga tauhan naman umano ng Coast Guard Station Pangasinan at Sub-station Bolinao, kasama ang ilang volunteers, ang sumagip sa biktima at siyang nagdala sa kanyang sa local rural health unit sa Agno Municipal Fish Port.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read