MANGINGISDA, HULI SA P6.8 MILLION SHABU

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG mangingisda na hinihinalang ‘high -value target’ ang nahulihan ng may isang kilo ng shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Groups sa Zamboanga City.

Sa ulat, itinatayang nasa P6.8 million ang halaga ng droga na nasamsam sa suspek matapos na ipatupad ang ikinasang buy- bust operation laban sa target na drug dealer na kinilalang si alyas “Marjan.”

Inaresto si Marjan ng mga awtoridad sa Zamboanga City matapos na mag-positibo ang kanilang intelligence ops at isinagawang case build-up laban sa suspek.


Ang operasyon, na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG), ay naganap 10:39 kamakalawa ng gabi noong Martes sa Barangay Kasanyangan.

Nahuli ang 32-taong-gulang na mangingisda na may hawak na 1,050 gramo ng hinihinalang shabu, boodle money at mga personal na gamit. Ito na ang pinakamalaking haul ng droga sa Zamboanga Peninsula ngayong taon.


Mahaharap si Marjan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ang operasyon ay isinagawa katuwang ang mga unit ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read