Nananatiling walang malay sa Sta. Ana Hospital ang isang matandang lalaki na humampas ang ulo sa sementadong kalsada matapos na tamaan ng dumadaang coach ng Philippine National Railways(PNR) ang kanyang dala na mga kalakal, kahapon ng umaga habang papalapit sa San Andres station sa Maynila.
Inilarawan ni PSMs Rico Balines,desk officer ng San Andres Police Community Precinct, ang biktima na nasa edad 50-60, may taasna .5’5, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng jacket at comouflage na short pants.
Ang biktima ay isinugod sa Sta,..Ana Hospital dahil sa tinamo nitong sugat sa mukha at kaliwang braso.
Sa imbestigasyon ni PCpl. Alanion Aquino ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 9:23 ng umaga sa may riles ng tren sa kahabaan ng San Andres Bukid,Maynila.
Ayon kay Train Marshal Kevin Cayampat, dala umano ng biktima ang napulot niyang mga kalakal nang tumawid sa riles at tamaan ng PNR train na northward bound at may body number EMU5, ang dala niyang mga kalakal, dahilan para mapasama ang biktima at humampas sa sentemadong kalsada.
Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima na nawalan ng malay. (Philip Reyes)














