Namatay noon din ang isang 38 anyos na mangangalakal matapos na barilin ng kanyang mga kasamahan sa hanapbuhay, kamakalawa ng umaga sa Building 15, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, Maynila nang dahill lamang sa agawan sa ruta ,
Kinilala ni PCpt Renz Krizztofer Figueroa,ng Smokey Mountain Police Community Precint,ang biktimang si Rogel Ilagan, Bldg 9. Unit 103, Permanent Housing, Brgy 128, Tondo, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, naganap umano ang pamamaril ng suspek na si Jomel Garcia,27 at taga Bldg 15, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, Maynila at Michael Morales, alyas Pol-Pol, male, 24, ng Bldg 15, Unit 78, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, Maynila, alas- 10:30 ng umaga sa Building 15, Aroma Compound, Tondo.
Ayon sa pulisya, kilala umano ng biktima ang mga suspek at matagal na umanong may alitan ang dalawa na nag-ugat sa ruta ng kanilang pinagkukunan ng kalakal.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek.














