Mamimili ng school supplies sa Divisoria dagsa na

By: Philip Reyes

Dumagsa na sa Divisoria, ang mga magulang na bumibili ng school supplies, at uniporme na gagamitin ng kanilang mga anak sa nalalapit na pasukan sa Agosto 29.

Pinili ng mga magulang na dito na bilhin ang angangailang ng kanilang mga anak dahil sa murang halaga.


Nabatid na mabibili sa halagang P125. ,ang halaga ng 10 llnotebook na composition naka pack at hindi naman lumalayo ang presyo ng isang pack ng grade 1 pad paper.

Abot kaya rin ang presyo ng lapis, pantasa, ballpen,crayola at iba pang school suplies .

Upang makatipid, may mga magulang na naghahati na lamang sa school supplies para magkasya ang kanilang budget.


Inaasahan na mas lalong dudumugin ang Divisoria pagsapit ng Agosto 30, suweldo.


Tags: Divisoria

You May Also Like