MALING PANANAW SA VIP SERVICE, NILINAW NG MIAA

By: Jerry S. Tan

ITINANGGI ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang alegasyon na ang dating VIP service implementation ay pinapayagan ang mga pasahero na balewalain o i-bypass ang ilang mahahalagang airport procedures basta magbabayad lamang ng P800.

Binigyang-diin ng MIAA na ang kanilang VIP service, partkular ang Meet-and-Assist Service (MAAS), ay mahigpit na sumusunod sa Customs, Immigration, Quarantine at Security (CIQS) protocols, fully- compliant at may ‘established airline and government regulations’ at ito ay idinisenyo upang madagdagan pa ang mabuting karanasan ng mga pasahero.


Dati, ang serbisyo ay isang pribilehiyo na ibinibigay ng MIAA nang walang bayad at ito ay sa larangan ng public service upang i-uphold ang reciprocity arrangements kasama ang counterpart agencies at foreign governments. Kalaunan, ito ay inialok sa mga pribadong indibidwal nang may bayad sa ilalim ng terms and stipulations na itinakda ng MIAA Memorandum Circular No. 5, Series of 2013 entitled “Airport Courtesies and Accommodation”.

Di nagtagal, ang proseso ng passenger facilitation ay binago at ginawang pormal sa pamamagitan ng Service Level Agreements (SLA) at kasama ang mga border control agencies na nag-o-operate sa NAIA pati na ang MIAA, bilang mahalagang miyembro ng NAIA Quality Management System.

Ang kasunduang ito ay tumitiyak ng pinagsama-samang hakbang upang madagdagan pa ang mabuting karanasan ng mga pasahero habang ipinapatupad ang mandato ng mga airport agencies na kabilang sa nagbibigay ng serbisyo sa airport.


Upang maiwasan ang pag-abuso o maling gamit ng MAAS, ang mga sumusunod na safeguards ay ipinatutupad ng MIAA: Ang kabuuan ng proseso , kabilang ang forms na ginamit sa MAAS, ay naka- enroll sa NAIA Quality Management System (QMS); Sa simula pa lamang .ay pinapaalam na sa mga kliyente na ang CIQS policies at procedures ay mahigpit na ipinatutupad at hindi ito maaaring ibahin kahit pa naka-avail at nagbayad sila sa MAAS;.Bilang bahagi ng polisiya, lahat ng MAAS ay coordinated at recorded sa Immigration and Customs Officers nang walang exception; Ang rates para sa serbisyo ay inaprubahan at regulated ng MAA Board of Directors at nakalathala sa official gazette, para magkaroon ng accountability at public awareness.at Mayroong kaparusahan na ipapataw sa ilalim ng MC No. 5 kapag nagkaroon ng pang-aabuso, misuse o misrepresentation at iba pa.

Sa nakalipas na panahon, ang MAAS ay patuloy at paulit-ulit na kinikilala sa proopesyunalismo nito, magagalamg na kawani, maayos at episyenteng serbisyo at malaking papel na lagi nitong ginagampanan sa airport reception o pagtanggap ng mga delegado ng iba’t- ibang government-hosted events na ginagawa sa Pilipinas.


Dahil ang MIAA ay nagta-transisyon sa kanyang bagong papel bilang airport regulator, nananatili itong tapat sa commitment na panatilihin ang mataas na pamantayan, kaligtasan, seguridad at propesyunalismo sa lahat ng uri ng serbisyo nito.


Tags: Manila International Airport Authority (MIAA)

You May Also Like

Most Read