MALINAW NA DIREKSYON, TIYAK NA RESULTA PARA SA MGA GURO, HATID NG PBBM ADMINISTRATION — GOITIA

By: Baby Cuevas

ANG promotion ng mahigit 16,000 guro sa ilalim ng Department of Education ay malinaw na patunay ng epektibong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isang matagal nang isyu ang tuluyang tinugunan, hindi sa pamamagitan ng pangako kundi sa aktwal na aksyon: “Hindi ito basta nangyari. May malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos.”


Aniya pa, sa DepEd ay naging malinaw ang papel ni Secretary Sonny Angara sa pagsasakatuparan ng direktiba ng Pangulo at sa kanyang pamumuno ay naipakita ang kakayahang pagsamahin ang patakaran at implementasyon, mula sa maayos na paglalaan ng pondo hanggang sa paggalaw ng mga proseso sa loob ng ahensya.

“Ipinakita nito ang isang kalihim na hindi lamang nagtatakda ng direksyon, kundi marunong ding magpatakbo ng sistema. Kapag malinaw ang direksyon at magkakasabay kumikilos ang pamahalaan, kusang umuusad ang reporma,” ani Goitia.

Ipinunto pa niya na ang nasabing promotion ay higit pa sa usapin ng ranggo o sahod, kundi isang pagkilalang matagal nang hinihintay ng mga gurong siyang haligi ng pampublikong edukasyon.


“Sa pag-alis ng backlog, ipinakita ng administrasyon na umaandar ang sistema kapag may malinaw na pamumuno at maayos na koordinasyon. Hindi magiging seryoso ang anumang reporma sa edukasyon kung napapabayaan ang mga guro,” dagdag pa ni Goitia.

Aniya pa: “Maaaring hindi ito umani ng malawak na atensyon, ngunit ang tunay na halaga nito ay mararamdaman araw-araw sa mga paaralan sa buong bansa. Isa itong patunay ng pamahalaang mas nakatuon sa malinaw na direksyon at kongkretong resulta kaysa palabas Hindi kailangang maging maingay ang pamahalaang gumagana. Ang mahalaga, ito’y tumutupad sa tungkulin nito,” pagtatapos ni Goitia.




Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations: Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI) at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, na nagtataguyod ng katotohanan, katatagan at dangal ng sambayanang Pilipino.


Tags: Dr. Jose Antonio Goitia

You May Also Like